-- Advertisements --

Isa-isang inilatag ng Philippine Commission on Women ang mga benepisyong handog para sa mga kababaihan sa ilalim ng kanilang “Serbisyo para kay Juana 2024” program bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Ilan sa mga serbisyong ito ay ang libreng Medical Services sa lahat ng kababaihan sa Datu Odin Sinsuat District Hospital sa Maguindanao simula Marso 4-8, 2024.

Sa Marso 8 naman ay maaaring pumunta ang mga nais sumilip sa museum gaya ng Fort Santiago, Baluarte de San Diego at Casa Manila Museum.

Wala na ring babayaran ang mga kababaihan upang makita ang Martyrdom of Jose Rizal: A Lights and Sound Presentation sa Rizal Park at maging ang pagsakay sa Pasig River Ferry dahil magiging libre na ito sa buong Buwan ng Marso.

Samantala, hinihikayat ng PCW, na makiisa at makibahagi ang mga babae sa mga darating pa na Biyernes para sa ‘Purple Fridays’ upang ipakita ang pagsuporta at pagpapahalaga sa kontribusyon ng mga kababaihan sa ating lipunan.