-- Advertisements --

Nagkalat sa mga kalye ng Bucha ang bangkay ng mga sibilyan base sa inilabas na bagong drone video.

Ito ay sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi ng Russia na sila ang responsable sa anumang patayan na nangyari sa nasabing lugar.

Makikita rin sa drone video ang Russian military vehicles at forces katabi ng mga bangkay.

Magugunitang, tinawag na “fake” nila President Vladimir Putin’s spokesperson Dmitry Peskov at Foreign Minister Sergey Lavrov ang nasabing report.

Ang mga larawang lumabas mula sa Bucha pagkatapos umatras ng mga puwersa ng Russia ay nagdulot ng matinding galit mula sa international community.

Tinawag nina US President Joe Biden and French President Emmanuel Macron na “kalupitan” ang naganap sa mga krimen sa digmaan sa Bucha.