Dumami pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signals dahil sa patuloy na paglakas ng bagyo at paglapit nito sa lupa.
Signal No. 2:
Southern portion ng Eastern Samar, southern portion ng Samar, Southern Leyte, central at southern portions ng Leyte, Camotes Islands, eastern portion ng Bohol, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands, Agusan del Sur, Agusan del Norte, northeastern portion ng Bukidnon, eastern portion ng Misamis Oriental at Camiguin
Signal No. 1:
Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, kasama na ang Ticao at Burias Islands, southern portion ng Quezon, Marinduque, Romblon, central at southern portion ng Oriental Mindoro, central at southern portion ng Occidental Mindoro, northern portion ng Palawan, Northern Samar, natitirang parte ng Eastern Samar, nalalabing bahagi ng Samar, Biliran, iba pang lugar sa Leyte, nalalabing bahagi ng Bohol, Cebu, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, Antique, Capiz, Aklan, northern portion ng Davao Oriental, northern portion ng Davao de Oro, northern portion ng Davao del Norte, northwestern at central portion ng Bukidnon, natitirang parte ng Misamis Oriental, Misamis Occidental, northern portion ng Lanao del Norte, northern portion ng Zamboanga del Sur, northwestern portion ng Zamboanga del Norte at northern portion ng Lanao del Sur
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 485 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
May lakas ito ng hangin na 130 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 160 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.