Agad na nagpiyansa ang mga aktibistang sina Jhed Tamano at Jhonila Castro kaugnay sa kasong kanilang kinakaharap.
Ito nga ay matapos na maglabas warrant of arrest ang Municipal Trial Court ng Donya Remedios Trinidad hinggial sa kasong grave oral defamation na kinakaharap ng dalawa.
Ang naturang piyansa ay nagkakahalaga sa Php18,000.
Samantala, kaugnay nito ay itinakda rin ng naturang korte ang arraignment ng pre-trial nina Castro at Tamano sa darating na Marso 15, 2024.
Kung maaalala, noong Enero ay inaprubahan ng Department of Justice ang mga kasong inihain laban kina Castro at Tamano matapos na baliktarin ng dalawa ang mga militar at akusahan ang kasundaluhan na dinukot, sinaktan, at tinakot umano sila ng mga ito.
Ang mga alegasyon na ito ng dalawang aktibista ay kanilang ginawa sa mismong press conference na inorganisa ng NTF-ELCAC matapos silang sumuko sa mga otoridad at magpanggap na magbabalik loob na muli sa pamahalaan.