-- Advertisements --
image 49

Hiniling ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) sa ilang airlines na bawasan ang bilang ng kanilang flights para matugunan ang isyu ng kanselasyon.

Isa din aniya sa ikinokonsidera ay ilipat ang ilang flight schedules as gabi o lampas ng hatinggabi.

Sinabi naman ni MIAA officer in charge Bryan Co na hinihikayat ng ahensiya ang airlines na dagdagan ang flight schedule na kaya nitong suportahan pagdating sa bilang ng aircraft na mayroon ang mga airline company.

Nilinaw naman ni Transportation Undersecretary Robert Lim na hindi isyu ang overbooking at nakakansela lamang aniya ang flights dahil sa red lightning alert.

Kaugnay nito, tumalima naman ang ilang airline company sa apela ng mga ahensiya habang ang iba naman ay ikinokonsidera na ilipat na lamang sa gabi ang ilan sa kanilang flights.