-- Advertisements --

Patay ang piloto nang bumagsak ang Philippine Air Force (PAF) MG-520 attack helicopter sa Bohol kaninang alas-9:40 ng umaga habang nagsasagawa ito ng maintenance at equipment test flight.

attack
MG-520 attack helicopter

Bumagsak ang chopper sa may coastal area ng Handayan Island, Jetafe, Bohol.

Agad namang nadala sa Ubay Hospital sa Bohol ang tatlong sugatan na mga crew.

Ayon kay Air Force spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, nanggaling umano sa Benito Ebuen Air Base sa Mactan, Cebu ang MD520MG attack helicopter para sa isang maintenance flight nang bumgsak ito.

Kasalukuyan pang inaalam sa nagpapatuloy na imbestigasyon kung may nasawi o nasugatan sa nangyaring aksidente gayundin ay kung may nadamay na kabahayan.