-- Advertisements --

Ikina-alarma na ng United Nations ang ginawang pag-raid ng mga otoridad sa embahada ng Mexico sa capital na Quito para maaresto si dating Ecuadorian Vice President Jorge Glas.

Sinabi ni Stéphane Dujarric, ang tagapag-salita ni UN Secretary General Antonio Guterres na hindi na dahil sa insidente ay nalagay sa panganib ang mga personnel ng embahada.

Ang 54-anyos kasi na si Glas ay inaresto noong Biyernes at nagtatago na sa embahada para humingi ng asylum.

Nahaharap kasi ang dating bise presidente ng reklamong kurapsyon.

Dahil na rin sa pangyayari ay hiniling ni Mexican President Andrés Manuel López Obrador ng suspension ng kanilang diplomatic ties sa Ecuador.