-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin ang social media platform na Instagram matapos na makaranas na problema sa ilang bahagi ng mundo.

Ayon sa Meta- ang may-ari ng Instagram na kanila ng inaalam ang naging problema.

Nitong Lunes kasi ng gabi ay ilang libong mga Instagram users ang nakaranas ng hirap maka-access sa kanilang account.

Lumalabas pa sa iba na ang kanilang account ay suspendido ng ilang buwan.

Base sa ulat ng DownDetectors na ilang libong Instagram users ang nakaranas ng problema.