-- Advertisements --
Pinangunahan ng football star Lionel Messi ang Argentina para talunin ang Australia 2-1 sa round of 16 ng FIFA World Cup na ginaganap sa Qatar.
Dahil sa panalo ay pasok na ang Argentina sa quarterfinals laban sa the Netherlands.
Naitala ni Messi ang kaniyang 789th goal sa 1,000 career appearance habang ang ikalawang goal ay naitala ni Julian Alvarez sa loob ng 57th minuto.
Umabot sa mahigit 45,000 na mga football fans ang nanood sa laban na ginanap sa Ahmad bin Ali Stadium.