-- Advertisements --
Tumutulong na ang mga linemen at mga inhinyero ng Manila Electric Cooperative sa mga komyunidad sa Northern Luzon na naapektuhan ng Nagdaang Supertyphoon.
Ito ay matapos ipadala doon ang kabuuang 32 engineers at linemen para sa power restoration efforts sa ibat ibang probinsya ng Northern Luzon, katulad ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, at iba pa.
Maliban sa mga linemen, nagpadala rin ang Meralco ng mga pick-up at basket truck na siyang tutulong sa restoration effort.
Ang mga ipinadalang tauhan, ay sasailalim naman sa guidance ng mga local government units kung saan sila maidedeploy