Handa na rin ang Manila Electric Company (MERALCO) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Lunes.
Ayon kay MERALCO Vice President for Corporate Communications Joe Zaldarriaga, nakaalerto na ang kanilang mga tauhan upang tiyakin ang supply ng kuryente sa panahon ng eleksyon.
Kasama rin dito ang mga nasa labas ng Metro Manila na sineserbisyuhan din ng kanilang kompaniya, kagaya ng Cavite at Rizal.
Naka-kondisyon na rin ang mahigit 300 generator sets at halos 800 floodlights na maaaring gamitin ng mga crew sakaling magkaroon ng problema ang serbisyo ng kuryente.
Pagtitiyak pa ni Zaldarriaga, kaisa sila ng pamahalaan para mapanatiling maayos at mapayapa ang 2023 BSKE.
Mananatili ring bukas ng 24/7 ang Meralco hotline na 1622, gayundin ang kanilang internet accounts.
Patuloy ding nakikipag-coordinate ang kompaniya sa mga stakeholders, lalo na sa mga ahensya ng pamahalaan na may malaking papel sa aspetong pang enerhiya at iba pang serbisyo.