-- Advertisements --

Pinahiya ng Meralco Bolts ang Barangay Ginebra 89-75 sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Philippine Cup.

Ito na ang pangalawang sunod na panalo ng Bolts sa laro ng ginanap sa Smart Araneta.

Sa first half ay hawak ng Ginebra ang kalamangan 54-38 hanggang bumawi sila pagdating ng second half.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Chris Newsome na mayroong 19 points habang mayroong 18 points si CJ Cansino at 11 points naman si Bong Quinto.

Inamin ni Meralco coach Luigi Trillo na talagang nahirapan sila dahil sa matinding depensa na ipinamalas ng Ginebra.

Hindi naman umubra ang nagawang 14 points ni RJ Abarientos at 13 points ni Japeth Aguilar ng Ginebra.