-- Advertisements --
Tiniyak ng Philippine men’s national football team na sila ay babawi laban sa Iraq matapos ang pagkatalo nila sa score na 0-1 nitong Biyernes sa Joint Qualifiers ng FIFA World Cup 2026 at AFC Asian Cup 2027 na ginanap sa Basra, Iraq.
Sinabi ni coach Tom Saintfiet na may mga adjustment na silang isinagawa para matugunan ang nasabing kakulangan.
Gaganapin ang susunod na laban kasi nila kontra sa Iraq sa araw ng Martes, Marso 26, 2024 sa Rizal Memorial Stadium.
Ang national men’s football team ay binubuo nina Neil Etheridge bilang team captain kasama ang beteranong Patrick Reichelt, Daisuke Sato, Kevin Ingreso, Jarvey Gayoso, and Amani Aguinaldo.