-- Advertisements --
Tumigil na sa pag-inom ng nakakalasing na inumin ang Hollywood actress na si Megan Fox.
Sinabi nito na nagsimula ang pagtigil niya ng pag-inom ng alak matapos ang 2009 Golden Globe Awards.
Inaalala kasi nito noong gabing iyon ay nasobrahan niya ang pag-inom ng alak kung saan halos hindi na niya alam ang kaniyang pinagsasabi ng ito ay kapanayamin ng mga mamamahayag na nasa event.
Kuwento nito na hindi niya maiwasan ang uminom ng gabing iyon matapos na maglagay ang organizers ng mga bote ng champagne sa bawat mesa.
Dahil aniya sa mga nasabi nito sa event ay maraming mga fans niya ang nagalit at hindi nagustuhan ang kaniyang pinaggagawa.