-- Advertisements --

Nakatakdang magpadala ang Estados Unidos ng medical equipment sa mga bansa tulad ng Italy, France at Spain para tumulong sa paglaban ng mga ito sa coronavirus pandemic.

Kinumpirma ito ni Trump sa kaniyang daily briefing sa White House kung saan sinabi nito na malaking halaga ng medical supplies ang unang ipadadala sa Italy.

“We’re going to be sending approximately $100 million worth of, of things, of surgical and medical and hospital things to Italy,” he said, adding that Italy’s prime minister, Giuseppe Conte, was “very, very happy I will tell you that.”

Nakapag-usap na rin umano sina Trump at Italian Prime Minister Giuseppe Conte hinggil dito.

Binigyang-diin din ng pangulo ang pagiging tapat ng United States sa pakikipagtulungan nito sa Italy at iba pang European countries para labanan ang lalo pang pagkalat ng nakamamatay na virus.

Kung matatandaan, kaliwa’t kanang kritisismo ang hinarap ng American president dahil sa di-umano’y mabagal na kilos ng federal government bunsod ng COVID-19.

“We’re also sending things that we don’t need to other parts,” wika pa ni Trump.