-- Advertisements --

TAGALOG VERSION – Positibo ang isinagawang search warrant operation sa Barangay 12, Laoag City partikular sa apartment ni Mr. Lesther Galapon, isang medical representative at tubo sa bayan Bacarra.

Base sa nailabas na warrant, calibre 45 na baril at bala kasali ng glock caliber 9MM ang hahanapin ng mga otoridad.

Samantala, nakita lamang ng mga otoridad ang isang 9MM na baril, tatlong magazines at iba’t-bang klase ng bala sa apartment ng suspek.

Samantala, giit ni Galapon na wala siyang hawak na baril at planted lamang ang nakumpiska sa kanyang apartment.

Kinuwestiyon din ni Galapon ang pagkasira ng kable ng CCTV at ang nawawala memory card kung saan umano’y gumagana pa ang mga ito bago ang isinigawang operasyon.

Aniya, bago ang operasyon ay nasa labas ito ng kanyang apartment at nakabukas ang pinto ngunit ng pumasok ito ay nakita na lamang niya na nakasara ang pinto.

Dagdag niya na bago pa man ay nakatanggap siya ng subpoena dahil sa umanoy pangnanakaw niya ng damit at alahas sa lungsod at ito ang pinaniniwalan niyang may koneksyon sa naisagawang operasyon.

Samantala, inilahad ni Police Lt. Col. Rafael Lero, ang chief of police ng PNP-Laoag na ang glock 17 na nakumpiska ay umanoy pagmamay-ari ng dating live-in partner ng suspek.

Nalaman na ang live in partner ni Galapon ay siya ring nagreklamo sa umanoy pagnanakaw ng suspek ng mga kagamitan.