-- Advertisements --

Isasama na ang mga media workers sa priority list ng pamahalaan para sa COVID-19 vaccination, ayon kay testing czar Secretary Vince Dizon.

Ayon kay Dizon, nakausap niya kahapon si NEDA Acting Secretary Karl Chua at sinabi nito sa kanya na kanilang babaguhin ang listahan para isama ang mga taga-media sa A4 category.

Iginiit ni Dizon na ang nagtatrabaho sa media ay maituturing ding frontliners kaya dapat kasama rin sila sa A4 category sa priority list ng pamahalaan para sa COVID-19 vaccination.

Lunes nang inilabas ng pamahalaan ang listahan ng mga manggagawa na kabilang sa ika-apat na priority group sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Ilan sa mga manggagawa ay mula sa sektor ng commuter transport, frontline government workers, public at private na wet at dry market vendors, at iyong mga nagtatrabaho sa mga planta ng pagkain, inumin, gamot at pharmaceutical products, at marami pang iba.

Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, ang mga napapabilang sa A4 group ay mga manggagawa na mayroong “high levels of interaction” o exposure din sa publiko.