-- Advertisements --
Ipinatupad na ngayong araw ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang pagtanggal ng mga appointment system sa lahat ng kanilang serbisyo para sa Filipino nationals, Taiwanese employers, investors at mga turista.
Ayon kay MECO Chairperson Silvestre Bello III na hindi na kailangan magpa-set up ng appointment ang sinumang nais na mag-avail ng kanilang serbisyo.
Kabilang na dito ang mga magtutungo sa Migrant Workers Office, Social Security System at PAGIBIG.
Sa nasabing paraan aniya ay magiging accessible na ang kanilang serbisyo sa pagsilbi sa publiko.