-- Advertisements --

Itinanggi ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan na nagkaroon ng malawakang pagtatanggal ng mga empleyado dahil sa banta ng giyera ng China.

Sinabi ni MECO Chairperson at Representative Sylvestre Bello III, na nananatiling normal ang pamumuhay ng mga residente doon.

Tiniyak nito na nakahanda ang gobyerno ng Pilipinas sakaling lumala ang sitwasyon doon.

Magugunitang nagsagawa ang China ng simulation exercises sa palibot ng Taiwan bilang protesta sa pagtungo ng Taiwan president sa US.