-- Advertisements --
Tumanggi si Davao City Mayor Sara Duterte na magbigay ng komento hinggil sa sinabi ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay tatakbong presidente kasama si Sen. Bong Go para sa 2022 national elections.
Sa isang panayam, sinabi ng alkalde na “no comment” siya nang matanong hinggil sa Sara-Go tandem sa 2022 polls.
Kahapon, Oktubre 2, naghain ng kanyang kandidatura ang batang Duterte para tumakbo ulit sa pagka-alkalde ng Davao City.
Mababatid na kahapon sinabi rin ni Pangulong Duterte na bise presidente ang posisyon na tatakbuhan ni Go sa susunod na taon.
Bago ito, nagsabi na rin si Go na inaalok niya si Mayor Sara bilang kanyang running mate nang magdesisyon siyang huwag nang ituloy ang pagtakbo sa pagka-pangulo.