-- Advertisements --

LAOAG CITY – Pormal ng nanumpa si Mayor Michael Marcos Keon ng lungsod ng Laoag na pinangunagan ni Gov. Matthew Marcos Manotoc.

Bago masimulan ang oath taking ay nagkaroon nga paguusap si Manotoc at tiyuhin nitong si Keon.

Ang oath-taking ceremony ay linakuhan ng mga opisyal ng Laoag City at Sang. Panlalawigan kasama ng mga department heads at marami pang iba.

Ayon kay Mayor Keon, may rason kung bakit naisagawa ang oath taking ngayong araw at sa oras na 8:40 ng umaga ngunit hindi na nito sinabi ang detalye.

Kaugnay nito, sinabi niya na Masaya ito sa kanyang panunumpa nito dahil si Gov. Manotoc angnanguna rito at bukas rin ang gobernador para sa reconciliation.

Naniniwala si Keon na ang political dynasty ay bahagi ng politika ng Pilipinas at ang importante ay ang pagsisilbi sa publiko.

Samantala, bago kay Mayor Keon ang unang nagnumpa sina Konsehal Conrado Respicio sa pangunguna ni Judge Nida Alejandro.