-- Advertisements --
Naniniwala si Manila City Mayor Isko Moreno na ang posisyon sa gobyerno ay hindi minamana dahil ang demokrasya aniya ay taumbayan ang pumipili ng dapat ihalal.
Reaksyon ito ng alkalde sa lumabas na usapin ng pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte sa pagkapangulo pagkatapos ng termino ng ama nitong si Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa nito na ayaw niyang pangunahan ang mga botante dahil baka magsisi ang mga ito sa kalaunan.
Bilang botante rin ay hindi niya iboboto kapag ang mga magkakamag-anak.
Magugunitang isa si Moreno sa napupusuan ni Pangulong Duterte na posibleng pumalit sa kaniya pagkatapos ng kaniyang termino.