DAVAO CITY – Inihayag ni Davao City Mayor at presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio na hindi na sila nag-uusap sa kanyang ama na si outgoing President Rodrigo Duterte mula Agosto sa nakaraang taon.
Ito ay kahit na parehong dumalo sila sa miting de avance ng Hugpong sa Tawong Lungsod -Hugpong ng Pagbabago (HNP) na pinangunahan ni Mayor elect Sebastian Duterte sa nakaraang Mayo 6 sa San Pedro Street nitong lungsod.
Hindi rin umano sila nagkita sa kanyang ama sa nasbaing event bagkus ay tanging nakausap lamang niya ang longtime aide ng kanyang ama na si Senator Christopher “Bong” Go.
Umaasa ang presumptive Vice President na magkaka-usap sila ng kanyang ama lalo na at ilang araw na lamang ay aalis na ito sa kanyang posisyon ar magreretiro na sa politika.
Nabatid na sa huling miting de avance, hind na nagtaggal si Mayor Inday kung saan matapos ang kanyang speech ay agad itong umalis bago pa man dumating si Pangulong Duterte.
Dagdag pa ni Mayor Inday na hindi rin nila napag-usapan ng kanyang ama na may kaugnayan sa politika.
Kung maalala, nadismaya si Pangulong Duterte matapos na tumakbo ang Mayor bilang running mate ni dating Senator at ngayon presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.