Napa-angat ng Lungsod ng Maynila ang ranggo nito sa 500 most innovative cities in the world index ngayong 2019.
Batay sa datos ng 2thinknow, umangat ng 48 na ranggo ang Maynila na dati ay nasa 287th rank at ngayo’y nasa rank 239 na.
Tinawag din ng global index ang lungsod bilang “node” o may malakas na performance sa innovation para sa iba’t-ibang issue na bitbit nito.
Sa rehiyon ng Asia, 38th ang Maynila mula sa 108 na siyudad.
Kabilang sa ginamit na indicator ng data provider na 2thinknow ang cultural assets, human infrastructure at network market.
Samantala, napatalsik naman ng New York City sa Amerika ang Tokyo City, Japan sa rank 1 ng listahan.
“(New York) embrace a more human and sustainable lifestyle, start-up economy, and new smart technologies.”