-- Advertisements --

Pasok na sa Western Conference finals ang Dallas Mavericks matapos nilang gulatin ang Oklahoma City Thunder 117-116 sa Game 6 para.

Nangibabaw sa laro si Luka Doncic na nagtala ng 29 points, 10 rebounds at 10 assists habang mayroong tig-22 points sina Kyrie Irving at Derrick Jones.

Hawak pa ng Thunder ang kalamangan 116-115 sa natitirang 20 segundo ng laro.

Nagtangkang mag-three points si P.J. Washington ng Mavs subalit ito ay na-foul ni Shai Gilgeous-Alexander.

Naipasok ni Washington ang dalawang free-throw nito na nagbigay ng kalamangan at panalo sa Dallas.

Maraming kumuwestiyon sa tawag kay Gilgeious-Alexander subalit nanindigan ang mga game officials na malinaw na foul ito.

Dahil sa panalo ay hihintayin na lamang ng Dallas ang sinumang manalo sa pagitan ng Denver Nuggets at Minnesota Timberwolves.