-- Advertisements --

(Update) DAVAO CITY – Nakitaan ng mga malilit na bitak sa dingding ang mga gusali sa loob ng compound ng City hall ng Mati City sa probensiya ng Davao Oriental.

Ito at base na rin sa isinagagwang inspection ng office of the Building official, Mati CDRRMO at City Engineering Office kaninang alas-12:00 kaninang tanghali.

Inihayag ni Mati City Information officer Ben Tesiorna na wala namang nakitang major damages sa mga tiningnan na imprastraktura mula sa naganap na malakas na lindol kaninang madaling araw, maliban sa mga nakitang mga minor cracks na hindi naman umano makaka-apekto sa structural integrity ng mga gusali.

Sa ngayon patuloy pa rin ang inspection ng team sa iba pang mga opisina at mga gusali sa Mati City pati na rin sa mga school buildings ng syudad.

Samantala, nauna na ring inihayag ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na wala ring major damage sa mga government structures, kasali na ang mga Covid-19 isolation sites, matapus ang 7.1 magnitude na lindol.

Inihayag ni CDRRMO chief Alfredo Baloran base sa kanilang raw assessment walang naitalang major damages maliban lamang sa minor o hairline cracks na nakita sa tatlong COVID-19
Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) na kinabibilangan ng University of the Philippines Mintal Isolation Facility, Doña Carmen Elementary School, at A.L. Navarro Elementary and High School.

Wala naman umanong evacuation na isinagawa at nasa ligtas na kalagayan ang lahat ng mga pasyente nito.