-- Advertisements --

Binigyang diin ngayon ng Department of Health (DOH) na dapat maging bahagi na rin ng buhay ng mga Pilipino ang pagsusuot ng face mask sa kabila ng pagluluwag sa mask mandate sa mga outdoor areas.

Ito ang muling paalala ni DOH officer-in-charge at Usec. Maria Rosario Vergeire kasunod ng kanilang rekomendasyon sa gobyerno na buluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask.

Gayunman ayon kay Vergerie dapat pa ring may proteksiyon kapag nasa mga high-risk areas.

Binigyang halimbawa nito ang mga high risk areas tulad ng matataong lugar, enclosed spaces, public transportation, o lugar na mahina ang ventilation.

Mahalaga rin aniya sa mga kababayan na kabisado nila ang sarili kung sila nga ba ay immunocompromised, maysakit o nasa bahagi sila ng risk populations.

Una na ring sinabi ng DOH na hindi pa panahon na luwagan ang restrictions sa indoor masking kasama na sa mga face-to-face classes.