LEGAZPI CITY – Hindi tinanggap ng tropa ng gobyerno ang paghingi ng tawad at labis na pagsisisi umano ng mga armadong teroristang grupo sa nangyaring madugong krimen sa Barangay Anas, Masbate City.
Ito’y matapos akuin ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang buong responsibilidad sa pagkamatay ng atletang estudyante na si Keith Absalon at pinsang si Nolven nang masabugan ng anti-personnel mine noong nakaarang linggo.
Binigyang-diin ni Lt.Col Steve Dela Rosa, hepe ng Masbate City Philippine National Police sa panayam ng Bombo Radyp Legazpi na wala na ring silbi ang paghingi ng kapatawaran at pagsisisi ng grupo dahil hindi na maibabalik pa ang buhay ng mga inosenteng nadamay.
Mas ikakatuwa pa aniya nila kung sumuko at magbalik-loob na lamang ang mga ito sa gobyerno upang magbagong buhay.