-- Advertisements --

Binibilisan na ng mga manufacturers sa Estados Unidos ang kanilang produksyon ng mas pinamura at mas pinabilis ngunit less accurate na COVID-19 tests.

Kasunod na rin ito ng target ng Amerika na 100 million COVID-19 tests hanggang Disyembre 31, 2020.

Ang hakbang na ito ay magiging daan umano upang mas marami pang eskwelahan, negosyo at kumpanya ang magbukas.

Batay sa mga naglabasang reports, halos kalahati raw ng antigen tests ang posibleng bigyan ng authorization sa buwan ng Oktubre.

Bagot ito ay binigyan na ng authorization ng U.S. regulators ang antigen tests mula Abbot Laboratories, Becton Dickinson & Co, Quidel Corp at LumiraDX.

S a oras kasi na pagsamahin ang mga bagong authorized tests na ito sa mga nauna nang diagnostics ay lagpas pa sa 200 million per month ang magiging overall testing capacity ng U.S.