Target umano ng Department of Agriculture na itaas sa 93 percent ang rice sufficiency ng Pilipinas subalit dahil sa mga pinsalang iniwan ng mga nagdaang bagyo sa sektor ng agrikultura ay posible raw na bumaba ito sa 89 percent.
Ayon kay DA Sec. William Dar, dapat nang asahan na mas maraming imported rice ang papasok sa bansa simula sa susunod na taon upang punan ang mga nasirang pananim ng mga nagdaang kalamidad.
Kung maaabot aniya ang target ay tinatayang 7 percent lamang ng total rice consumption ang magiging import ng bansa.
Paliwanag ng kahlihim, natural lamang na mag-aangkat ang isang bansa ng bigas kung hindi nito kayang tugunan ang pangangailangan ng taumbayan.
Batay sa huling ulat, aabot na sa P12.3 bilyon ang pinsalang iniwan ng mga bagyong Quinta, Rolly at Ulysses sa sektor ng agrikultura.









