-- Advertisements --
PITX

Lalo pang dumami ang kinanselang biyahe mula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) dahil sa nagpapatuloy na masamang panahon na dulot ng bagyong Egay.

Asyon sa pamunuan ng PITX, nauna nang nag-anunsyo kaninang umaga ang ilang mga malalaking bus companies ng kanselasyon sa kanilang mga biyahe.

Kinabibilangan ito ng mga biyahe mula PITX patungong Occidental Mindoro, kasama na ang mga may ruta papunta sa ilang mga bayan sa Catanduanes, Pamplona, Leyte, at Masbate.

Abiso umano ng mga bus campanies, delikado ang bumiyahe at ang desisyong kanselahin ang lang mga biyahe ay para na rin sa kaligtasan ng mga mananakay at mga tsuper.

Nagpaalala naman ang pamunuan ng PITX na patuloy na makipag-ugnayan sa mga kumpanya ng bus na kanilang sasakyang upang mabigyan sila ng akmang impormasyon bago magplanong bumiyahe patungo sa kung saan nila gustong pumunta.