-- Advertisements --
FB IMG 1629437730535 1

Mas pinahaba ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang oras para sa voter registration simula sa Agosto 23.

Sa isang advisory na pirmado ni , inanunsiyo ng poll body na ang registration ay magsisimula ng alas-8 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes.

Dakong alas-8:00 naman ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa araw ng Sabado at sa mga holidays.

Una rito, hindi pinagbigyan ng Comelec ang panawagang palawigin pa ang voter registration na magtatapos na sa Setyembre 30.

“As per current guidelines, Saturdays are dedicated to satellite registration so that our field personnel can accommodate a higher number of registrants in more accessible and convenient places. However, the Offices of the Election Officer may conduct Saturday registration in their respective offices if going to malls, barangays and other satellite sites is not feasible under the guidelines,” ani Comelec Spokesperson James Jimenez.

Katwiran ng Comelec, sa sandaling palawigin umano ang voter registration ay baka magkaroon naman ng epekto sa paghahanda sa 2022 national elections.

Dahil dito, sinabi ng Comelec na magkakaron na lamang daw ng ibang modifications para ma-accommodate ang mga magpaparehistrong botante para makaboto sa susunod na taon.