-- Advertisements --

Kasalukuyan pa rin na naghahanap ang kampo ni Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng venue na kanilang gagamitin para sa kaniyang inauguration.

Ito ay sa kadahilanang hindi nila maaari pang magami ang Quirino Grandstand dahil sa ngayon ay mayroon pang programang may kaugnayan sa COVID-19 ang idinadaos doon.

Ayon kay Marcos, nais daw sana niya na isagawa ang kaniyang panunumpa sa nasabing lugar sa naging tradisyon na aniya ito sa bansa ngunit ng dahil pa rin sa banta ng COVID-19 at pandemya ay talagang marami ang kinailangang mapalitan.

Samantala, ipinahayag naman ni Atty. Vic Rodriguez, ang tagapagsalita ni Bongbong Marcos, na sa ngayon ay hindi pa nila napag-iisipan kung saan gaganapin ang nasabing inaugurasyon.

Habang sa Hunyo 19 naman planong idaos ni Presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio ang kaniyang inauguration ceremony sa kanyang bayan sa bailiwick Davao City.