-- Advertisements --

Itinuturing ng Malacañang na magandang balita para sa pamilyang Pilipino ang pagbagal ng inflation nitong Mayo sa 6.8%.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, senyales ito ng unti- unti nang nabubunga ang mga hakbang ng pamahalaan sa ilalim ng UPLIFT strategy.


Gayunpaman, hindi aniya magpapaka-kampante ang pamahalaan.

Batid ng gobyerno na mayroon pa ring dapat paghandaan ang Pilipinas, tulad ng posibleng pagtaas ng presyo ng langis, at epekto ng El Niño.

Dahil dito, magtutuloy – tuloy aniya ang mga hakbang ng gobyerno, upang mapanatiling abot-kaya ang mga bilihin, maprotektahan ang pondo ng bawat pamilya, at makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.