Maaari pa ring makibahagi si Senador Rodante Marcoleta sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Lunes, Hulyo 6, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian.
Ipinaliwanag ni Gatchalian na sa ngayon nananatiling senador si Marcoleta dahil wala pang pinal na desisyon ang Sandiganbayan kung mag-iisyu ng arrest warrant laban kay Marcoleta para sa kasong plunder na inihain ng Ombudsman.
Nang matanong naman ang Senate President kaugnay sa posibleng paglalabas ng arrest warrant kay Marcoleta, sinabi niyang hindi nila maaaring i-preempt o pangunahan ang magiging desisyon ng Sandiganbayan bilang isang korte.
Inihayag din ni Gatchalian na mayroon pang pagkakataon si Marcoleta na magbigay ng kaniyang depensa at magpaliwanag sa korte bago gumawa ng desisyon bilang bahagi ng judicial process.
Matatandaan, nitong Biyernes, Hulyo 3, pormal nang naghain ng plunder charges ang Ombudsman laban kay Marcoleta at tatlong iba pa kaugnay sa P75 million na hindi umano idineklarang campaign donations sa kaniyang 2025 senatorial campaign.















