-- Advertisements --

Maraming mga Filipino ang umaasang may pag-asa silang kakaharapin sa 2023.

Ayon sa survey ng Pulse Asia, na 92 percent sa kanilang sinurvey ang haharap sa 2023 na may inaasahang pagbabago.

Habang ang natirang walong porsyento ay hindi pa nilang masabi kung may magandang pag-asa silang haharapin sa 2023.

Isinagawa ang survey mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1.

Sa parehas din na survey na 43 percent ng mga adult Filipino ang naniniwalang mayroong masaganang pagdiriwang ng kapaskuhan ngayong taon.

Habang 42 percent ang nagsabing walang pinagkaiba ang pagdiriwang nila ng kapaskuhan noong nakaraang taon.

Isinagawa ang face-to-face interviews sa may 1,200 respondents na nagrerepresenta ng 18 anyos pataas.