-- Advertisements --
Nasa 93 percents ng mga personnel ng Philippine General Hospital (PGH) ang nagpahayag ng kagustuhan na magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.
Aabot kasi sa 5,000 mga empleyado kabilang na mga doctors at nurses ang desididong magpaturok ng bakuna sakaling ito ay dumating na sa bansa.
Tiwala aniya sila na walang anumang masamang epekto sa katawan ang nasabing bakuna dahil dumaan umano ang mga ito masusing pag-aaral.
Magugunitang isa ang mga medical frontliners sa prioridad ng gobyerno na unahing maturukan ng bakuna kapag ito ay dumating na sa bansa.










