-- Advertisements --

Aabot sa 19 katao ang nawawala matapos ang pagsabog sa military explosive facility sa Tennessee.

Ayon kay Humphreys County Sheriff Chris Davis na may ilang nasawi subalit hindi pa ito nagbigay ng ibang detalye.

Nangyari ang insidente sa Accurate Energetic Systems factory na matatagpuan sa McEwan City sa Humphreys County, Tennessee.

May ilang biktima naman ang itinakbo sa pagamutan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.