-- Advertisements --

Ibinahagi sa publiko ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang kaniyang ginagawang paghahanda sa boxing ring.

Sinabi nito na mahalaga ang laging nasa kondisyon at dapat ay hindi tumigil ang kagaya niyang kampeon sa boxing sa pag-eensayo.

Hindi naman nito binanggit kung ang ensayo niya ay bahagi ng kaniyang paghahanda sa 2024 Paris Olympics o ang exhbition fight niya kay Muay Thai legend Bauakaw Banchamek.

Bukod pa dito ay lumabas din ang usapin ng rematch niya kay retired US boxing champion Floyd Mayweather Jr.