-- Advertisements --
(UPDATE) Pumanaw na ang Manila City Regional Trial Court (RTC) judge na binaril sa loob ng kanyang opisina nitong hapon.
Ayon sa report ng Medical Center Manila, dead on arrival nang ihatid sa emergency department ng ospital si RTC Branch 45 Judge Ma. Therese Abadilla, 44-anyos, dakong alas-3:15 ng hapon.
Patay din ang itinuturong suspek at clerk of court na si Atty. Amador Rebato, 42-anyos, matapos barilin ang sarili.
Batay sa mga source, anak ni retired Col. Rolando Abadilla ng administrasyong Marcos ang pinatay na judge,