-- Advertisements --
PNP chief Azurin, pinuri ang lahat ng pulis na nagpatupad ng kaayusan sa  ginanap na plebisito sa Maguindanao - Bombo Radyo News

Patuloy ang ginagawang paghahanap ng Philippine National Police (PNP) sa iba pang suspek sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid.

Sa isang pahayag ay tiniyak ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na nagpapatuloy ang ginagawang manhunt operation ng pulisya sa tatlo pang suspek na itinuro ng self-confessed gunman na si Joel Escorial.

Aniya, hindi titigil ang buong hanay ng pulisya sa pagtugis sa mga suspek na ito na kinilalang sina Edmon at Israel Dimaculangan, at isang alyas Orly, hanggang sa mapilitan ang mga ito na isuko ang kanilang mga sarili sa mga otoridad.

Samantala, humingi naman ng pag-unawa mula sa publiko si Azurin hinggil sa iba pang impormasyong hindi nila maaaring ilabas lalo na’t patuloy pa rin ang kanilang ginagawang imbestigasyon ukol dito.

Kasabay nito ay nagpahayag din siya ng kumpiyansang mananaig pa rin ang hustisya sa kanilang paglutas sa naturang kaso.