-- Advertisements --

NAGA CITY-Patay ang isang mangingisda matapos na pagtatagain sa Brgy. Himanag, Lagonoy, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Delovino alyas Eddie, 62-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na nakatanggap nang report ang Lagonoy Municipal Police Station mula sa Barangay Secretary ng nabanggit na lugar na si Eugene Alis patungkol sa nasabing insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na personal na pumunta ang biktima sa bahay nang suspek na kinilalang si Pedro Israel, 32-anyos, residente din ng nabanggit na lugar upang maghanap nang away.

Dahil dito, pinagtataga ng suspek si Delovino na nagin dahilan upang magtamo ito nang sugat sa iba’t ibang parte nang kanyang katawan na nagin dahilan din sa agaran nitong kamatayan.

Samantala, agad naman na tumakbo ang suspek matapos ang krimen papunta sa hindi pa malamang deriksyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa posibleng kinaroroonan ng suspek.