-- Advertisements --
ILOILO CITY – Walang makakapigil sa Manggahan Festival sa Guimaras sa gitna ng coronavirus pandemic.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Guimaras Vice Governor Atty. John Edward Gando, sinabi nito na ang nasabing festival ay maaasahan sa darating na Mayo 20 hanggang 23.
Kasabay nito ang pagtiyak na masusunod ang mga health protocols.
Ayon kay Gando, wala munang gaganaping cultural competition at street dancing upang hindi magkumpulan ang mga tao.
Tiniyak naman ng bise gobernador na tuloy din ang sikat na unlimited mango eating ngunit nararapat na magparehistro.