CENTRAL MINDANAO-Masaya ang mga mango growers sa probinsya ng Cotabato dahil ini-export na ang bunga ng mangga sa ibang bansa.

Ito ang masayang ibinalita ni dating Cotabato Ist District Board Member Rolly Sacdalan.

Maganda umano ang kalidad ng mangga mula sa Sacdalan Farm sa bayan ng Midsayap,Aleosan at Libungan Cotabato.

Ayon kay Vergie Dela Fuente isang negosyante mula sa General Santos City na nagustuhan nila ang mga bungang mangga mula sa Sacdalan Mango Farm dahil maganda ang hugis,nasa tamang laki,matamis at pang-export talaga ang quality nito.

Ang mga bungang mangga mula sa Sacdalan Mango Farm ay ini-export na ngayon sa bansang Dubai,United Arab Emirates (UAE) at Paris France.

-- Advertisement --

Sinabi ni Sacdalan na malaking tulong ito sa mga mango growers dahil malaki ang kikitain nito at siguradong aangat ang ekonomiya ng probinsya.

Kailangan lamang na alagaan ng tama ang mga puno ng mangga,wastong pag-aabuno na hindi nakaka-apekto sa kalikasan,sekreto ng de-kalidad at pang-export na bunga.

Nakatakda namang makipagpulong si Sacdalan sa mga mango growers dahil pag natikman ng mga taga ibang bansa ang matamis na mangga mula sa North Cotabato siguradong tone-tonelada ang bibilhin nito sa probinsya.