-- Advertisements --

Ipinag-utos na rin ng pamahalaan ng Pilipinas ang mandatory evacuation ng 130 Pilipino sa Afghanistan ngayong malapit na ngang makuha ng Taliban forces ang kontrol sa Kabul.

Ito ay matapos na itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 4 sa Afghanistan kagabi.

Tinukoy ng kagawaran ang lumalalang security situation sa naturang bansa matapos na mapaulat na umalis na sa Kabul si Afghanistan President Ashraf Ghani habang nakapasok na sa capical city ang Taliban.

Sa ngayon, patuloy ang na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Pakistan sa DFA hinggil sa repatriation ng mga Pilipinong nasa Afghanistan pa sa ngayon.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ilalabas ng Afghanistan ang mga Pilipinong naiipit sa sitwasyon doon sa pamamagitan ng chartered flights.

SA ngayon 26 sa 34 na key cities ng Afghanistan ang napasok na ng Taliban fighters kasunod nang pag-atras ng mga tropa ng America doon.