-- Advertisements --
KALIBO, Aklan —- Patuloy ngayon ang paghahanda ng mga kandidata para sa nalalapit na grand finals ng Miss Philippines-Spain.
Ayon kay Bombo International Correspondent Maria Edzel Lamparero Lopez mula sa 30 kandidata, 15 na lamang ang sasabak sa grand finals na nakatakda sa Nobyembre 12.
Ang mga kandidata ay kinabibilangan ng mga Pinay beauty na nakabase sa Espanya.
Abala aniya ang mga ito sa iba’t-ibang pre-pageant activity kung saan ang mga idedeklarang winner sa bawat kategorya ay i-aanunsyo sa mismong coronation night.
Ang sinumang makakakuha ng korona ay ipapadala sa Pilipinas para sa gaganaping Miss Universe Philippines.