-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Humihingi ng tulong sa nga ngayon ang isang OFW na pinangangambahang minamaltrato sa bansang Kuwait sa isa pang pinay habang ito ay bumibili ng paninda sa isang mall sa Kuwait.

Ito ang ipinaabot sa Bombo Radyo Koronadal ni Gina Piñas, OFW sa Kuwait at tubong Tacurong, Sultan Kudarat na inabotan ng tulong ng isang Pinay na OFW rin sa nasabing bansa.

Ayon kay Piñas, pumipila ito sa isang pampublikong pamilihan sa Kuwait nang biglang siniko ito ng isang babae at hinulogan ng isang maliit na papel.

Nakilala ang OFW na humihingi ng tulong na si Jenifer Cabundig na taga-bayan ng Sto.Niño, South Cotabato.

Dagdag pa ni Piñas, napansin nito na tila namamaga ang mga mata ni Jenifer dahil sa pag-iyak nito at tila binabantayan ito ng kanyang employer.

Sa ngayon, humihingi ng tulong si Piñas sa recruitment agency ni Jenifer Cabundig at sa tanggapan ng gobyerno para matulungan ito na marescue at makauwi sa kaniyang pamilya.