-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pinayuhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga maliliit na bangka na iwasan muna ang mangisda sa Davao Gulf para maisawan ang disgrasya kasunod na rin ng malakas na alon dahil sa southwest monsoon o habagat.

May kaugnayan ito sa huling insidente kung saan maraming residente sa coastal areas sa siyudad ang apektado sa malakas na monsoon waves.

Ayon pa kay PCG Davao Station commander Commodore Garry Laynesa, inalerto na nila ngayon ang mga mangingisda sa mga posibleng mangyari kung mangisda ang mga ito sa Davao Gulf lalo na kung malakas ang alon.

Nilinaw naman ng ahensiya na hindi nila kinansela ang biyahe lalo na ang patawid papuntang isla ng samal.

Nilinaw din ng PCG na bago sila magpapalabas ng suspensiyon sa mga biyahe, nakipag-ugnayan muna sila sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) para malaman ang lagay ng panahon.