Isasalang ng Senado sa pagdinig ang kahandaan ng DepEd sa paggamit ng learning materials para sa new normal.
Ito ang sinabi ni Senate committee on basic education chairman Sen. Sherwin Gatchalian, kasunod ng mali-maling grammar at data ng ilang reading materials na kumalat sa internet.
Kaya naman, pabor ang mga mambabatas sa pagpapaliban ng pasukan na magsisimula na sana sa Agosto 24, 2020.
Nagpasalamat naman si Sen. Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte at DepEd Sec. Leonor Briones sa pagbibigay daan sa kaniyang mungkahi.
Naniniwala si Go na ang panahon mula ngayong buwan hanggang sa Oktubre ay sapat na para maplantsa ang mga hindi pa naayos na paghahanda ng DepEd at iba pang stakeholders.
Para naman kay Sen. Francis Tolentino, hindi talaga pwedeng ipilit ang proseso kung ito ay hindi pa handa para sa makabagong paraan ng pag-aaral.
“The extra days given DepEd should enable them to prepare more sustainably given the critical situation we are all in,” wika ni Tolentino.










