-- Advertisements --

CEBU – Mahigpit na ipinatupad sa United Arab Emirates (UAE) ang mandatory home quarantine at ang social distancing ng bawat isa alinsunod sa patuloy na banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay UAE Bombo Correspondent Delaine Gomez Ramos, inihayag nito na mahigpit na mino-monitor ng government officials ang publiko kung saan may kaukulang multa para sa sinumang lalabag sa palisiya.Tinatayang aabot sa Php 40, 000 sa Philippine currency ang babayaran ng isang indibidwal na lalabas ng wlang dahilan at valid reason.

Madali lang umanong ma-momonitor ang sinumang gagala sa labas dahil sa mga nakakabit na CCTV cameras sa halos lahat ng lansangan ng lugar. Samantalang istrikto naman ang pag-oberba ng social distancing para sa mga indibidwal na pinapayagang lumabas para bumili ng kanilang mga pangangailangan.

Isa si UAE Bombo Correspondent Delainne Gomez Ramos sa nakaranas sa epekto ng COVID-19 dahil maliban sa epekto nito sa pangangatawan, apektado rin ang nakatakda sana nitong kasal matapos pansamantala munang hindi matutuloy ang iba pang plano para sa pag-iisa nilang dibdib ng kanyang kabiyak.